Sustainable development. Inclusive growth. Financial integration. Defense cooperation.
Ilan sa mga terminong madalas marinig sa ginaganap na Asia Pacific Economic Cooperation o APEC. Naririnig din natin ito sa mga usapan at pahayag ng ASEAN, sa World Bank, International Monetary Fund, Asian Development Bank at ang mga institusyon na may kinalaman sa pandaigdigang kalakalan. Sila ang mga naglalako ng globalisasyon sa maliliit at mahihirap (sa batayang ekonomya) na bansa gaya ng Pilipinas.
Pero ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng mga salitang ito?
Batay sa mga pananaliksik at panayam sa kilalang grupo sa pananaliksik, ang IBON Foundation, sisikaping maipaunawa ang mga termino batay sa kung ano talaga ang kabuluhan o epekto nito sa buhay ng mamamayang Pilipino.